Ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao nakitaan ng upward trend ng COVID-19 cases
May ilang lugar sa Visayas at Mindanao naman ngayon ang mahigpit na binabantayan ng Department of Health matapos makitaan ng upward trend ng mga kaso ng COVID 19.
Ayon kay Dr. Althea de Guzman, direktor ng Epidemiology bureau ng DOH ito ay ang Region 9 o ang Zamboanga Peninsula, Region 6 o Western Visayas, Mimaropa region, Caraga, Region 10,12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ipinaliwanag ni De Guzman na madalas nakikitaan nila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay mga highly urbanized at independent cities.
Ilan sa kanilang mga nakikitang dahilan ng pagtaas ng kaso ay ang hindi pagsunod sa minimum public health standards kontra COVID-19.
Paalala ni de Guzman, kahit niluwagan na ang restrictions sa isang lugar hindi parin dapat maging kampante ang publiko.
Ugaliing magsuot ng face mask at shield at tiyaking nasusunod ang physical distancing.
Madz Moratillo