Ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao, patuloy pa ring nakapagtatala ng matataas na kaso ng COVID-19

Nangunguna pa rin ang ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao sa may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 cases.

Sa datos ng Department of Health (DOH) nitong nakaraang linggo lamang, ang Western Visayas ay may 4,197 bagong kaso ng COVID habang may 3,452 new cases ang Davao Region, 2,724 new cases ang Central Visayas, 2,632 new cases naman ang Eastern Visayas, 2,056 naman ang SOCCSKSARGEN,at 1,661 ang Northern Mindanao.

Pero dahil ang NCR Plus ang may pinakamataas na mga kaso ng COVID ay dito mas maraming doses ng mga bakuna ang idineploy.

Kaya naman si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, hiniling na madala rin sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang COVID- 19 Vaccine Express.

Ang programa na ito ay inisyatiba ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Rodriguez, wala siyang nakikitang masama kung humingi man ng assistance ang mga lokal na pamahalaan sa Visayas at Mindanao para mapalawig ang COVID-19 Vaccine Express.

Mas mahalaga aniya ang kapakanan ng mga residente at hindi dapat pairalin ang pulitika.

Ang COVID 19 Vaccine Express na ito ay unang inilunsad sa Maynila.

Una nang nagkaroon ng isyu sina Robredo at Davao City Mayor Sarah Duterte matapos hindi nagustuhan ng alkalde ang mungkahi ni Robredo na tularan ng Davao City ang COVID approach ng Cebu City.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: