Ilang senador pinakakasuhan ang mga opisyal ng PNP na sangkot sa iligal ng droga.
Pinakakasuhan ng mga senador ang mga opisyal ng Philippine National Police na isinasangkot sa operasyon ng iligal na droga
Kabilang na rito ang tatlong Heneral at labinlimang Colonels na una nang nagsumite ng kanilang courtesy resignation sa Pangulo.
Ayon kay senador Jinggoy Estrada na chairman ng senate committee on defense security, hindi sapat na nagbitiw sila sa pwesto at dapat managot sila sa batas
“Sa akin hindi lang dapat resignation kulong pa rin. Kasuhan kailangang kasuhan ilang tonelada yan ilang buhay ang sisirain ng mga yan dapat kasuhan diretso na sa kulungan yan” pahayag ni Senador Estrada
Pinagpapaliwanag naman ni Estrada ang PNP bakit hindi nakasama sa listahan ng mga nagresign ang mga pulis na kasama sa inimbestigahan ng senado sa 6.7 billion drug haul.
Malaking kasalanan aniya ang ginawa ng mga pulis na nasangkot sa iregularidad kaya dapat maipakita sa taumbayan na mananagot sila sa batas
“I want to know bakit hindi nasama ang mga pulis na kasama sa hearing bakit hindi sila nagresign” karugtong na pahayag pa ng mambabatas.
Iginiit naman ni senador Francis Escudero na dapat silang kasuhan ng kriminal at administratibo para matiyak na hindi na sila makakabalik sa serbisyo
“If indeed they have drug links, they should be charged both administratively and criminally. It’s the next logical step.” Paliwanag naman ni Senador Escudero.
Ayon kay senador Bong Revilla, hindi dapat tumigil ang PNP at DILG sa paghahanap ng ebidensya laban sa mga idinadawit na opisyal para matiyak na mananagot sila sa batas
Ayon naman kay senador Bong Revilla “The PNP & DILG should not stop in gathering evidence to meet the burden sa criminal prosecution so that those involved should be made accountable.”
Ayaw namang husagahan agad ni senador bong go ang mga pulis na pinagsumite ng courtesy resignation
Dapat aniyang dumaan sila sa proseso at matiyak na may due process.
Pero kung talagang dawit sila sa illegal drug operations dapat agad silang kasuhan para hindi na madamay ang buong institusyon sa kahihiyan
“Kasuhan kung talagang involved sa droga. Pero kung hindi naman po sila involved dapat po ay ma-prove na talagang sila ang involved dito kawawa naman kung hindi talaga sila involved dito. Pinag-resign sila kung hindi sila involved kawawa naman may mga pamilya rin po ito at ako po ay naniniwala sa ating kapulisan, marami dyan ang matitino, mas marami dyan ang matitino. Yung talagang bulok yun lang ihiwalay mo bago makahawa. Pero kung walang kasalanan, there is due process po dapat munang i-prove nila kung talagang may kasalanan ang mga ito.” Pagsasaad pa ni senador Bong Go.
Meanne Corvera