Ilang social media personalities at vloggers nagpasaklolo sa Korte Suprema

0
SOCIAL MEDIA PERSONALITIES AND VLOGGERS

Dumulog sa Korte Suprema ang ilang social media personalities at vloggers na ipinatawag sa pagdinig ng Kamara bilang resource persons ukol sa fake news.

Sa 21- pahinang petisyon, hiniling ng petitioners sa Supreme Court na magpalabas ng TRO laban sa pag-imbita sa kanila ng Kamara sa hearing na labag sa Konstitusyon.

Kabilang sa mga petitioner sina Atty. Trixie Angeles, Atty. Glenn Chong, Mark Lopez, Krizette Laureta Chu, Lorraine Marie Badoy.

Nais ng vloggers at political content creators na atasan ang respondents na ihinto ang pagbabanta sa kanilang freedom of speech and expression.

Sinabi ni Atty. Angeles, “Maliwanag para sa amin na ito ay paraan para malimitahan ang democratic space para makapagsalita at makapagpahayag, Ito po ay garantisadong karapatan sa Saligang Batas. Hindi po muna kami tumungo sa Kongreso para sa kanilang pagdinig dahil ang stand namin dito pati pagdinig ay hindi constitutional.”

Iginiit pa ng petitioners na umabuso at lumikha ng chilling effect ang respondents dahil sa pagbabanta sa kanilang karapatan sa malayang pamamahayag na labag sa Saligang Batas.

Ayon kay Atty. Glenn Chong, “Itong ginawa nila gusto nila kaming pigilan, that is unconstitutional. Prior restraint for our freedom of speech, expression and of the press. Kung kaya nilang gawin yan sa amin gagawin nila rin yan sa inyo.”

Naniniwala ang petitioners na nag-ugat ang hearing sa pagbabanta ni Congressman Robert Ace Barbers sa privilege speech nito noon, na aaksyunan ang mga vlogger na bumabatikos sa kaniya at sa gobyerno.

Nanindigan ang petitioners na hindi sila lalahok sa House hearing na hindi patas at nahusgahan na sila.

Sabi ng isa pang petitioner na si Elizabeth Joie Cruz, “Hindi kami, hindi ako pupunta sa lugar kung saan babalusabasin na hindi ako makakasagot and they are going to impose a lot of things on me and would limit me to answer yes or no. Mag-usap tayo kung saan fair and playing field.”

Tinukoy na respondents sa petisyon sina House Speaker Martin Romualdez, Congressman Barbers, at ang Joint Committee of Public Order and Public Information na nagsagawa ng hearing.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *