Ilang supermarkets ininspeksyon ng DTI
Dalawang linggo bago ang holiday season, ininspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang supermarkets sa Project 4 sa Quezon City.
Ito’y para malaman kung sumusunod ba ang mga supermarkets sa itinatakdang Suggested Retail Price o SRP ng DTI.
Kasama sa mga inalam ng DTI ang presyo ng mga pagkain at mga ingredients na madalas inihahanda tulad ng hamon, mayonnaise, cheeze, fruit cocktail at mga cream at condensed milk.
Sa pag-iikot ng DTI, lumilitaw na mas mura ng 4 hanggang 10 pesos ang presyo ng mga ibinebentang produkto dito kumpara sa iba pang mga pamilihan.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, may mga supermarket na sa halip na magtaas, nagbababa pa ng presyo para makaakit pa ng mas maraming consumers.
Ang mga ganitong supermarket aniya ang dapat tangkilikin ng publiko para makatipid.
Samantala ayon sa DTI, bumaba na sa 88 pesos farm gate price ng kada kilo ng manok kaya dapat ibenta ito sa 140 hanggang 150 pesos kada kilo.
Ulat ni Meanne Corvera