Illegal na pag-okupa ng KADAMAY sa Pandi housing project ng gobyerno, iimbestigahan na ng Kongreso
Iimbestigahan na rin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang iligal na pag-okupa ng mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang mahihirap o KADAMAY sa mga housing unit sa Pandi 3 Village sa Bulacan.
Sa panayam ng programang Feedback, sinabi ni Senador JV Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement na may ugnayan na sila ng counterpart sa Kamara para magsagawa ng joint investigation sa kaso na posibleng isagawa sa ikatlong linggo ng Abril.
Kasama sa mga posibleng ipapatawag ang mga opisyal ng grupong KADAMAY, National Housing Authority at mga may-ari ng mga housing units.
“Nag-usap pa kami ng aking counterparts gagawin naming 2nd at 3rd ng April naka recess ang mga staff joint hearing para isahan na lang magpapatawag ang Senado at Kongreso second week of April tungkol sa paglusob ng KADAMAY sa housing projects”. – Sen. JV Ejercito
Inamin ni Ejercito na masyadong mabagal ang produksyon ng housing units para maabot ang backlog ng gobyerno na umaabot pa sa 5.5 million pero hindi aniya tamang angkinin ng mga mahihirap ang mga bakanteng housing porject.
“Alam naman natin me kabagalan ang production ng housing units 5.5 m ang backlog we are about producing 200 – 300 thousand units a year pero hindi pwede gawin sa ganitong paraan may naka allocate ginagawa naman ng pamahalan ang lahat para masolusyunan ang porblema hindi naman magician para makuha ang pabahay konting unawa sana mag –usap”. –Sen. Ejercito
Tinawag pa ng Senador na barbaric ang aksyon ng mga miyembro ng KADAMAY dahil hindi isina-alang alang ang karapatan ng mga tunay na benepisyaryo ng pabahay.
Iginiit ni Ejercito na hindi dapat humantong sa pangha harass ang sitwasyon dahil may ginagawa namang hakbang ang gobyerno para mapabilis ang konstruskyon at mabigyan ng pabahay ang mahihirap lalo na ang mga nakatira sa itinuturing na disaster prone areas.