Ilocos Norte provincial government, nagpadala ng relief goods sa mga sinalanta ng pagbaha sa Cagayan Valley
Nagpaabot ng tulong ang Ilocos Norte sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Cagayan Valley.
Ayon sa provincial government, ang first batch ng relief aid na ipinadala nito sa Cagayan ay binubuo ng 1,500 food packs, 150 sako at malalaking kahon ng mga damit, mahigit 200 kumot, mahigit 30 plastic mats, halos 70 case ng bottled mineral water, assorted hygiene kits at kahon-kahon na canned goods.
Patuloy namang tumatanggap ang Ilocos Norte provincial government ng in-kind at financial donations para sa mga biktima ng pagbaha.
Nagtalaga na rin ang pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ng drop-off points sa probinsya para sa mas organisadong pagproseso ng mga donasyon.
Hinimok din ng mga opisyal ang mga donors na magkaloob ng bago o nasa maayos na kondisyon na mga damit at kumot para sa mga apektado ng kalamidad.
Moira Encina