Ilocos Norte tumanggap ng halos Php4-M na halaga ng COVID-19 donations mula sa China
Umaabot sa Php3.86 milyong halaga ng medical supplies at equipment para malabanan ang COVID-19 ang tinanggap ng Ilocos Norte mula sa Tsina.
Ayon sa Ilocos Norte Provincial Government, ang bawat benepisyaryong ospital ay mapagkakalooban ng medical beds, personal protective equipment, oxygen tanks, at iba pang medical supplies.
Ang virtual turnover ceremony ng mga donasyon ay dinaluhan nina Gov. Matthew Marcos Manotoc, Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at iba pang Chinese embassy at provincial government officials.
Pinasalamatan ng gobernador ang Tsina sa suporta at tulong nito sa probinsya sa pinakamatinding outbreak ng virus ngayon sa Ilocos Norte.
Tiniyak ni Ambassador Huang na sa abot ng kanilang makakaya ay sisikapin nilang makapagbigay ng agarang assistance sa Pilipinas at Ilocos Norte sa paglaban sa COVID.
Moira Encina