Imbestigasyon at case build-up sa mga patayan sa war on drugs, ipinagpapatuloy ng Task Force on EJK

Tuluy-tuloy pa ang imbestigasyon sa extra-judicial killings o giyera kontra droga ng Duterte Administration, ng binuong EJK Task Force ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez, na ito ay kahit natapos na ang inisyal na 60-araw na ibinigay sa task force para alamin kung may sapat na batayan para magsampa ng kaso.

Justice Undersecretary Raul Vasquez / Photo: DOJ

Ayon kay Vasquez, kailangan pa ng karagdagang koordinasyon sa iba’t ibang mga ahensya para makakalap ng ebidensya.

Kasama aniya sa iniimbestigahan at pinag-aaralan pa ng EJK Task Force ay kung kakasuhan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pahayag nito sa pagdinig ng House Quad Committee sa war on drugs.

Ayon Vasquez, “It didn’t end upon the end of the 60 day period initially given the ask force. And it’s something that will require further coordination with other investigating agencies and committees, QUADCOM included, in order for us to have a greater hold of the pieces of evidence needed to initiate preliminary investigation if proper.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *