Imbestigasyon ng Senado sa Tanay fieldtrip tragedy aarangkada na ngayong araw
Umarangkada na ngayong araw ang pagdinig sa Tanay bus tragedy na ikinamatay ng 14 na estudyante at mismong driver ng bus.
Pinangunahan ang naturang imbestigasyon ni Senadora Grace Poe chairperson ng Senate Committee on Public Services.
Inimbitahang dumalo sa naturang pagdinig ang mga opisyal ng Department of Transportation,na sina Usec. Anne Lontoc at Usec. Roberto Lim, Land Transportation Office Asec. Edgar Galvante, LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III, MMDA Chairman Thomas Orbos, Commission on Higher Education Chairperson Doktora Patricia Licuanan at Department of Education Sec. Leonor Briones
Inimbitahan rin ang may-ari ng paaralan ng 14 na estudyanteng nasawi sa trahedya ang Best Link College President Dr. Maria Vicente.
Pinadalhan rin ng imbitasyon ang representative ng bus na dahilan ng pagkasawi ng mga estudyante matapos bumangga sa poste ang Panda Coach Tours and Transport Inc. mula sa administration office nito na si Jonallyn Martinez, Hanna Tours Corporation General Manager Jiame Tan at ang mga abugado ng mga biktima na sina Councillor Ramon Medalla at Atty. Antonio Enrile Inton Jr.
Matatandaang bumangga noong umaga ng Pebrero 20 ang bus ng Panda Coach Tours sa poste ng Meralco sa kahabaan ng Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc sa Tanay, Rizal.
Ulat ni: Mean Corvera