Imbestigasyon ng Task Force EJK sa pagkamatay ni Randall Echanis, pwede nang simulan -Justice Sec. Menardo Guevarra

Maaari nang simulan ng Special Investigating Team ng Task Force on Extra-Judicial Killings ang imbestigasyon sa pagkamatay ni dating NDFP Peace Consultant Randall Echanis.

Ito ang inihayag ni Task Force EJK Chair at Justice secretary Menardo Guevarra makaraang kumpirmahin ng pamilya at ng pulisya na ang biktima ay talagang si Echanis.

Una nang inatasan ng kalihim ang Inter-agency Task Force on EJK na siyasatin ang insidente pero kinailangan muna na matiyak ang pagkakilanlan ng biktima.

Ayon kay Guevarra, nakuha na ng pamilya ang bangkay ni Echanis matapos na maberipika ng PNP na ito nga ang Anakpawis party leader.

Dahil dito, hindi na aniya kailangan ng NBI na magsagawa ng panibagong verification sa identity ng bangkay at pwede nang umusad ang imbestigasyon ng Task Force EJK.

Nasa PGH na ang mga labi ni Echanis para isailalim sa autopsy.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: