Impeachment case na maaring isampa kay PRRD kaugnay ng umano’y kapabayaan sa West Philippine Sea, hindi na uusad sa Senado
Malabong umusad ang anumang impeachment complaint na maaring isampa laban kay Pangulong Duterte dahil sa umanoy kapabayaan sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Senador Francis Tolentino, pagsasayang lang ito ng oras at mas mabuting unahin na lang ang ibang problema ng bansa kabilang na ang COVID- 19 pandemic.
Kasunod ito ng pahayag ni Dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na maaring kasuhan ng betrayal of public trust ang pangulo dahil sa pagbalewala at hindi pagtatanggol sa West Phil Sea samantalang may ruling na hinggil dito ang international court.
Ayon sa Senador pinahahalagahan ng pangulo ang nasabing arbitral rulling at iginiit na taken out of context lang ang pangulo nang sabihing isang piece of paper lang ang desisyon ng International Court of arbitration.
Sinabi ni Tolentino nais lang ipahayag ng pangulo na ang naturang desisyon ay hindi automatically binding at hindi maaring ipatupad kung hindi sasang-ayon ang china batay na rin sa International law.
Kakaiba lang aniyang magsalita ang pangulo pero tumitindig ito sa pambu bully ng china kaya nga humingi ito ng tulong sa asean countries para magkaroon ng code of conduct sa West Philippine Sea.
Bukod dito ang utos ng pangulo na paigtingin ang pagpapatrolya ng navy at coastguard sa isla.
Meanne Corvera