Impeachment laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista tuloy sa Kamara.
Kahit nagbitiw na sa pwesto tinuluyan parin ng Kamara ang pag impeach kay Comelec Chairman Andres Bautista.
Ito ay matapos baliktarin ng Kamara ang desisyon ng House Committee on Justice na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Comelec Chairman Bautista.
137 kongresista ang bumoto ng No para sa pagbaliktad sa impeachment dismissal habang 75 naman ang Yes para sa pagbasura at 2 naman Abstain.
Una ng ibinasura ng Justice committee ang impeachment complaint laban kay Bautista at idineklarang insufficient in form ang reklamo dahil sa teknikalidad.
Bago ang talakayan sa plenaryo, nagsagawa muna ng all party caucus ang mga kongresista sa kamara.
Sa reklamo nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras betrayal of public trust at culpable violation of the constitution ang ginamit na batayan.
Ang reklamo laban kay Bautista ay nag ugat sa alegasyon ng asawa nito na si Patricia kaugnay sa umanoy ill gotten wealth nito na nagkakahalaga ng isang bilyong piso.
Kabilang din sa reklamo ay ang pagtanggap umano ni Bautista ng komisyon at accountability nito sa data breach gayundin ang pagpapalit ng script sa transparency server na sinasabing naging dahilan umano ng dayaan noong 2016 elections.
Inatasan naman ang Justice committee na bumuo ng articles of impeachment na sya nilang ihahain sa impeachment court.
Ulat ni Madelyn Villar Moratillo