Impeachment ni Comelec Chairman Andres Bautista, hindi panghihimasukan ng palasyo
Ayaw makialam ng Malacanang sa pagkakaimpeach ng Kamara kay Commission on Election o COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito ay matapos magdesisyon ang plenaryo ng kamara na iakyat sa senado ang impeachment kay Bautista ilang matapos ianunsiyo ang kanyang pagbibitiw sa posisyon na epektibo sa katapusan ng taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang usapin ng impeachment ay kongreso ang may hurisdiksyon dito at labas dito ang ehekutibo.
Kinikilala naman ng Malakanyang ang mga naiambag ni Bautista sa nagdaang halalan at ang paghahanda nito sa napostpone na Barangay at Sangguniang kabataan elections.
Nagpahayag si Bautista na handa niyang harapin ang impeachment case laban sa kanya.
Ulat ni Vic Somintac