Impeachment trial laban kay Comelec Chairman Andres Bautista, posibleng simulan sa Nobyembre
Lilitisin pa rin ng senado bilang isang impeachment court si Comelec Chairman Andres Bautista kahit pa nagsumite na ito ng kaniyang resignation letter.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, maaring isagawa ang impeachment trial sa huling linggo ng Nobyembre.
Kailangan muna kasi nilang tapusin sa pagbabalik ng sesyon sa November 13 ang pagpapatibay sa panukalang budget para sa 2018 at ang hinihinging tax reform package ng gobyerno na nakasalang na sa amyenda at debate sa plenaryo.
Sinabi ni Pimentel na pinaghahandaan na nila ang paglilitis katunayang nire review na ang rules kung saan maari raw gamiting batayan ang rules sa impeachment trial noon ni dating Chief Justice Renato Corona.
Inaasahan na nila na may lulusot sa apat na impeachment cases na nakapending ngayon sa Kamara.
Ssa ngayon, aminado si Pimentel na maraming trabaho sa senado ang maaring maapektuhan sakaling umusad ang impeachment trial. Ito raw ang dahilan kaya kahit naka adjourn na ang sesyon ay tuloy pa rin ang mga committee hearings sa senado.