Implementasyon ng MIF sinuspindi ni PBBM
Kinatigan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na suspindihin ang implementing rules and regulations ng Maharlika Investment law.
Ayon kay pimentel, maraming kapalpakan ang batas, dahil hindi naman ito napag-aralan ng husto bago tuluyang pinagtibay
Hindi na aniya nakapagtataka na pinigil ang implementasyon ng batas
Pinuri naman ni Senador Francis escudero ang Pangulo dahil nakinig ito sa mga batayan bakit hindi dapat ipatupad ang MIF law.
Sabi ni Escudero marami pang isyu at tanong na hindi nasasagot tulad ng investment ng landbank at Development Bank of the Philippines sa MIF
Bukod dito, may nakapending pa aniyang kaso sa Korte Suprema hinggil sa legalidad ng Maharlika Law
Sina pimentel at escudero ay kapwa hindi pumabor sa Maharlika Law
Meanne Corvera