Implementasyon ng Universal Health Care Law nadelay dahil sa COVID-19
Aminado ang isang opisyal ng Department of Health na nagkaroon ng delay sa implementasyon ng Universal Health Care Law dahil sa pagpasok ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Asec. Kenneth Ronquillo, ang pondo kasi at human resources para sa UHC nagamit muna para sa COVID-19 response.
Maging halos lahat aniya ng training funds para sa UHC ay narepurpose para COVID-19 response.
Maging ang mga human resource gaya ng mga nurse na idineploy para sa primary health facilities sa ilalim ng UHC ay itinalaga muna sa pagtulong sa pagtugon sa mga covid patient.
Pero aminado ang opisyal na isang test case ang COVID-19 situation para sa UHC. Sa pagtaya ni Ronquillo posibleng abutin ng 10 taon bago masabing naipatupad na ng husto o fully implemented na ang UHC Law.
Giit ng opisyal maging ibang bansa ay inabot rin ng 10 taon bago tuluyang naipatupad ng husto ang kanilang UHC.
Pero kung sila aniya ang tatanungin ay target nilang pagsapit ng 2014 ay fully implemented na ang bata at ang Pilipinas ay mapapabilang na sa tinatawag na developed country pagdating sa health care system.
Madz Moratillo