Importation ng Agri products , ibabalanse ng Department of Agriculture sa Local production
Nangako ang Department of Agriculture na ibabatay sa produksyon ng mga lokal na magsasaka ang gagawing importation ng Agricultural products sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na mag-aangkat lamang ang gobyerno kung kukulangin ang Agricultural products na locally produced tulad ng bigas, isda, karne ng manok at baboy.
Ayon kay Panganiban hindi rin dapat na maalarma ang mga lokal na magsasaka sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin pa hanggang 2023 ang bisa ng Executive Order 171 na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagbababa ng taripa sa ilang imported Agricultural products partikular ang bigas at karne ng baboy.
Inihayag ni Panganiban ang importation ng mga Agricultural products kung kulang ang local supply ang bumabalanse sa presyo ng mga produktong agrikultural.
Niliwanag ni Panganiban na kung mananatiling sapat ang supply mg mga Agricultural products hindi tataas ang presyo at makokontrol ang inflation rate sa bansa.
Vic Somintac