Indang Cavite Municipal Gov’t. nagkaloob ng mga Guya, Calamansi at Guyabano seedlings para sa kanilang mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad nitong nakalipas na linggo.
Namahagi ang Municipal Govt of Indang Cavite ng dalawampung (20) guya (young cow) para sa kanilang mga magsasaka na labis na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa lalawigan.
Kasama din sa mga ipinamahagi ng Local Govt. Unit ng Indang ay ang feeds, at vitamins na makakatulong sa mga magsasaka sa pagpapalaki at pag-aalaga sa mga guya.
Bukod sa mga ipinagkaloob na dalawampung guya, mayroon ding 700 calamansi seedlings at 1000 guyabano seedlings at abono ang ipinamahagi din para sa kanilang mga local farmers.
Bahagi pa din ito ng patuloy na proyekto at programa ng kanilang lokal na pamahalaan katuwang ang Dept. of Agriculture Office ng Region 4a, para matulungan ang ating mga magsasaka sa kanilang bayan na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa kalamidad at pandemyang dulot ng Covid 19.