India at Asean, nagkasundo para lalu pang palakasin ang Maritime Security defense cooperation
Nagkasundo ang leader ng Asean member state at Pinuno ng India na mas paiigtingin at palalakasin pa nila ang kooperasyon sa usapin ng Maritime Security defense.
Ayonkay Indian foreign ministry Secretary Preeti Saran, ito ay upang magkaroon at maitatag ang pang-malawakang kooperasyon pagdating sa sektor ng Maritime domain.
Ayon pa kay Saran, panahon na rin aniya upang mabalanse naman ang usapin at isyu na kinakaharap ngayon sa mga pinagtatalunang isla sa South China sea.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ng Asean at ng India na labanan ang anumang banta ng terorismo.
Sinabi ni Roque na nagpahayag si Pangulong Duterte na ikukunsidera na ng bansa ang procurement ng mga gamit ng militar sa India bukod sa China at Russia.
Kasunod ito ng pahayag ng India na mas palalawigin pa ang pamumuhunan sa bansa sa kanilang 1.25 billion dollars investment pledges.
Sinabi ni Modi na handa rin ang kaniyang bansa na tulungan ang Pilipinas sa banta ng pamimirata sa Indo-Pacific navigation route.
Ulat ni Jet Hilario
=== end ===