India, host sa G20 tourism meet sa Kashmir
Indian paramilitary troopers stand for briefing before their deployment ahead of the G20 meeting in Srinagar on May 21, 2023. (Photo by TAUSEEF MUSTAFA / AFP)
Nakatakdang simulan ng Lunes, ang isang G20 tourism meeting sa gitna ng mataas na seguridad sa Kashmir na pangangasiwaan ng India, kung saan kinondena ng China at Pakistan ang pagdaraos ng kaganapan sa pinagtatalunang teritoryo.
Ang Kashmir na ang mayorya ay mga Muslim, ay kapwa inaangkin ng buo ng New Delhi at Islamabad, mula nang ito ay lumaya 75 taon na ang nakararaan.
Ang bahaging kontrolado ng India ay ilang dekada nang may kaguluhan dahil sa isang insurhensya na naghahangad ng kalayaan o pagsanib sa Pakistan, kung saan libu-libong mga sibilyan, sundalo at mga rebeldeng Kashmiri ang napatay sa labanan.
Ang India at ang northern neighbour nito ay nagkaroon ng military standoff sa kahabaan ng kanilang halos hindi matukoy na hangganan sa rehiyon ng Ladakh.
Noong nakaraang linggo ay sinabi ng pulisya na ang seguridad ay pinalakas “upang maiwasan ang anumang pagkakataon ng pag-atake ng terorista sa panahon ng pulong ng G20,” ang unang diplomatikong kaganapan sa teritoryo mula nang bawiin ng New Delhi ang limitadong awtonomiya nito at direktang kontrolin ito noong 2019.
Ang tatlong araw na pagtitipon ay magaganap sa isang malawak at nababantayang lugar sa baybayin ng Dal Lake sa Srinagar.
Walang Chinese delegates na dadalo sa kaganapan.
Inaangkin din ng buo ng Beijing ang estado ng Arunachal Pradesh sa India, bilang bahagi ng Tibet, at itinuturing nito ang Kashmir na isang pinagtatalunang teritoryo.
Sinabi ni foreign ministry spokesman Wang Wenbin, “China firmly opposes holding any form of G20 meeting in disputed territory and will not attend such meetings.”
Ang Turkey, Saudi Arabia at Indonesia ay napaulat na malamang na hindi rin lumahok.
Hawak ng India ang G20 presidency para sa 2023 at nagpaplano ito ng higit sa 100 mga pagpupulong sa buong bansa.
Ang China ay hindi lalahok kapwa sa mga kaganapan sa Ladakh at Arunachal Pradesh.
Kontrolado naman ng Pakistan na hindi miyembro ng G20, ang isang mas maliit na bahagi ng Kashmir. Sinabi nito na ang pagdaraos ng pulong sa turismo sa teritoryo ay lumabag sa internasyonal na batas, sa mga resolusyon ng UN Security Council at bilateral agreements.
Noong isang linggo ay sinabi ni Pakistani foreign minister Bilawal Bhutto Zardari, “India was displaying its ‘arrogance to the world’ and that it shows their pettiness.”
Inakusahan naman ng India ang Pakistan na sinasanay nito at sinusuportahan ang mga militante sa Kashmir, na itinanggi ng Islamabad.
Mula nang magbago ang konstitusyon ng India noong 2019, malaking bilang ng mga rebelde sa Kashmir ang nawala, bagama’t ang mga kabataang lalaki ay patuloy pa ring lumalahok sa insurhensya.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni UN Special Rapporteur on Minority Issues, Fernand de Varennes, “New Delhi was seeking to use the G20 meeting to ‘portray an international seal of approval’ on a situation that should be decried and condemned.”
Tinanggihan naman ng India ang mga nabanggit na komento.
Nahirapan ang mga residente sa ilalim ng pinaigting na mga hakbang sa seguridad, daan-daan ang nakakulong sa mga istasyon ng pulisya at libu-libo kabilang ang mga nagtitinda ang nakatanggap ng mga tawag mula sa mga opisyal na nagbabala sa kanila laban sa anumang “senyales ng protesta o pangugulo.”