Indian army, kamay na ang gagamitin sa paghuhukay para makalabas ang 41 na-trap sa gumuhong tunnel
Naghahanda na ang Indian military engineers para maghukay gamit ang kamay, para makarating sa kinaroroonan ng 41 trabahador na 16 na araw nang na-trap sa gumuhong road tunnel.
Plano ng mga sundalong gamitin ang tinatawag na “rat-hole mining” technique, kung saan maghuhukasy sila gamit ang kamay upang alisin ang mga tipak at durog na bato sa natitira pang siyam na metro o 29 na talampakan.
Noong nakaraang linggo, tinangka ng mga inhinyero na maglagay ng isang metal pipe nang pahalang sa 57 metro o 187 talampakang bato at konkreto, pero tumama ito sa metal girders at construction vehicles na natabunan ng lupa, sanhi para masira ang higanteng earth-boring augur machine.
Sinabi ng senior local civil servant na si Abhishek Ruhela, “The broken parts of the auger (drilling) machine stuck inside the tunnel have been removed, after a specialised superheated plasma cutter was brought in to clear the metal.”
Aniya, “Preparations are being made to start manual drilling work. Indian Army engineering battalion personnel, along with other rescue officers, are preparing to do rat-hole mining.”
Rescue workers at the site, where temperatures have dropped / Arun SANKAR / AFP
Ang mga inhinyero ay gagamit ng manual drills para alisin ang mga durog na bato, isang mahirap na trabaho sa makipot na pipe na sapat lamang ang lapad para sa isang tao na makagapang.
Sa kabilang dako naman, na-clear na ng vertical drilling ang mahigit sa one third ng 89 na metro pababa sa mga na-trap na trabahador, isang “mapanganib na ruta” sa isang lugar na nagkaroon na ng pagguho.
Isang drilling machine ang dinala sa magubat na burol sa ibabaw ng tunnel, lulan ng isang “specially-constructed track.”
Ayon naman kay Mahmood Ahmed, isang mataas na opisyal sa national roads ministry, “Vertical drilling is going on at a fast pace, with teams having reached 19 metres (63 feet). Work is ongoing at ‘full speed’ but with caution.’
Nagsimula na rin ang paghuhukay, pagpapasabog at pagbabarena sa malayong bahagi ng road tunnel, isang mas mahabang pangatlong ruta na tinatayang nasa 480 metro.
Drilling is now around a quarter of the way in a vertical shaft down to 41 men / Arun SANKAR / AFP
Ang 41 construction workers ay noong Nobyembre 12 pa na-trap sa gumuhong Silkyara road tunnel, na nasa isang remote mountain location sa Himalayan state ng Uttarakhand.
Naging mabagal ang pagsisikap ng mga rescuer na mailabas ang mga na-trap, dahil sa nahuhulog na debris at paulit-ulit na pag-breakdown ng drilling machines.
Ang pag-asa na ang grupo ay malapit nang magtagumpay noong Miyerkoles ay nabigo, kung saan nagbabala ang gobyerno na nahaharap ang mga ito sa hamon ng “Himalayan terrain.”
Subalit nangako si Uttarakhand chief minister Pushkar Singh Dhami, na ang lahat ng 41 lalaking trabahador na na-trap sa guho ay maililigtas.
Aniya, “Do not worry, all the labourers will be taken out safely.”
Bagama’t na-trap, ang mga ito ay mayroong espasyo sa tunnel na 8.5 metro ang taas at halos dalawang kilometro ang haba.