Indian variant ng COVID 19 hindi pa nakakapasok sa Pilipinas – DOH
Wala pang natutukoy na bagong variant ng COVID- 19 mula sa India dito sa bansa.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, nagsagawa na sila ng review sa kanilang records katuwang ang Philippine Genome Center.
Sa may 5,000 naisailalim sa genome sequencing ay wala naman aniya silang natukoy na may indian variant.
Ang variant na ito ang sinasabing dahilan ng pagtaas ng COVID 19 cases sa India at nakapasok na rin sa ilang bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na pinag aaralan narin ng Interagency Task Force on COVID variants.
Nakikipag – ugnayan narin aniya ang DOH sa Department of Foreign Affairs hinggil sa posibilidad ng trabel restriction sa nasabing bansa.
Madz Moratillo