‘Indiana Jones 5,’ tinalo ng ‘Insidious’ sa N.America box office
Nanguna na sa North American box office ang horror film ng Sony na “Insidious: The Red Door,” kung saan kumita ito ng 32 million dollars.
Sinabi ng isang entertainment analyst, na bagama’t mahina ang reviews ng pelikula sa ilalim ng direksiyon ng aktor na si Patrick Wilson na siya ring bida rito, naging malakas naman ang opening ng fifth installment ng Insidious.
Samantala, ang fifth “Indy” episode, na pinagbibidahan ni Harrison Ford na kumita ng 26.5 million dollars ay nalaglag sa ikalawang puwesto.
Sinundan ito sa ikatlong puwesto ng “Sound of freedom” na isang action thriller mula sa Santa Fe films at Angel Studios at pinagbibidahan ni Jim Caviezel. Ang pelikulang base sa tunay na dating US government agent na si Tim Ballard, na nagsabing nakapagligtas siya ng higit 100 mga bata mula sa Colombian sex traffickers, ay kumita ng 17 million dollars.
Nasa pang-apat ang family-friendly animation at cross-cultural romantic-comedy ng Disney/Pixar na “Elemental,” na kumita ng 9.6 million dollars.
Nakuha naman ng second installment ng animated version ng Sony ng web-slinging superhero na “Spider-Man: Across the Spider-Verse,” ang ika-limang puwesto matapos kumita ng 8 million dollars.
Samantala, narito ang kukumpleto sa top 10:
No. 6 – “Joy Ride” ($5.9 million)
No. 7 – “No Hard Felings” ($5.3 million)
No. 8 – “Transformers: Rise of the Beasts” ($5 million)
No. 9 – “The Little Mermaid” ($3.5 million)
No. 10 – “Ruby Gillman: Teenage Kraken” ($2.8 million)