Indonesia at Pilipinas lumagda ng kasunduan o arrangement ukol sa paglipat ng kustodiya kay Mary Jane Veloso

Pormal nang lumagda ang mga gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa arrangement sa paglipat ng kustodiya kay Mary Jane Veloso.

Si Justice Undersecretary Raul Velasquez ang pumirma para sa panig ng Pilipinas sa practical arrangement.

Bago ito ay nakipagpulong din si Vasquez kay Indonesian Coordinating Minister for Law, Human Rights, Immigration and Correction Yusril Ihza Mahendra, na siyang lumagda sa arrangement para sa Indonesia.

Ipinaabot ni Vasquez ang pagpapasalamat ni Pangulong Bongbong Marcos sa gobyerno ng Indonesia sa pangangasiwa sa paglipat ni Veloso sa Pilipinas.

Umaasa si Vasquez na bago ang holiday season ngayong Disyembre ay makabalik na sa Pilipinas si Veloso.

Bagama’t wala pang ispesipikong petsa, siniguro ng opisyal na handa ang Pilipinas anumang oras sa pagpapauwi kay Veloso alinsunod sa mga patakaran ng Indonesia.

Sa ngayon ay wala pang ibinigay na detalye ang Department of Justice sa nilalaman ng practical arrangement.

Ayon kay Vasquez, “Once transferred to the country, she will serve her sentence as agreed upon in accordiance with PH laws and regulations with respect to penal Code. So we will definitely be coordinating with the Indonesian governement in respect to that and inform them of all developments in respect to the treatment of Mary Jane when she would be transferred.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *