Indonesia, ipinag-utos na parusahan ang mga salarin sa sakuna sa stadium
Inatasan ng gobyerno ng Indonesia ang pulisya na tukuyin at parusahan ang responsable sa nangyaring stampede na ikinasawi ng 125 katao, na itinuturing na isa sa pinakamalala sa kasaysayan ng football.
Sa trahedyang nangyari nitong Sabado ng gabi sa siyudad ng Malang, ay 323 katao rin ang nasaktan matapos magpakawala ng tear gas ng mga pulis sa loob ng stadium na puno ng mga tao para pigilan ang pagsugod ng fans sa pitch, na nag-trigger ng stampede.
Sinabi ni Indonesian chief security minister Mahfud MD, “We ask the national police to find the perpetrators who have committed crimes in the next few days,” ngunit hindi binanggit kung sino ang kaniyang tinutukoy.
Aniya, “We asked them to unveil who has perpetrated the crimes and that action must be taken against them and we also hope the National Police will evaluate their security procedures,” at inanusiyo na isang task force ang binuo para sa imbestigasyon.
Naganap ang insidente nang sumugod sa pitch ang fans ng home team na Arema FC sa Kanjuruhan stadium, makaraan nilang matalo sa mahigpit na katunggaling Persebaya Surabaya sa score na 3-2.
Inilarawan ng pulisya ang insidente na isang riot kung saan dalawang pulis ang namatay at tinugon nila ito sa pamamagitan ng pagpapakawala ng tear gas sa stadium na puno ng mga tao, sanhi para mag-unahan ang mga ito na makalabas sa maliit na gate kung saan marami ang natapakan at na-suffocate ayon na rin sa mga nakasaksi.
Sinabi ng survivors na nag-overreact lang ang mga pulis na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming manonood, kabilang na ang isang limang taong gulang na batang lalaki.
Inanunsiyo ni Indonesian President Joko Widodo, na i-imbestigahan ang insidente ngunit ayon sa rights groups dapat ay maging independent ito at dapat papanagutin ang mga opisyal sa paggamit ng tear gas sa isang kulob na lugar.
Ayon sa Amnesty International, “We call on authorities to conduct a swift, thorough, and independent investigation into the use of tear gas at the stadium and ensure that those who are found to have committed violations are tried in open court. This loss of life cannot go unanswered.”
Sinabi ni Mahfud, na sa susunod na 24-oras ay pipiliin na ang bubuo sa task force na kabibilangan ng government officials, analysts, ministry representatives, football organization officials, academics at mga miyembro ng media.
Aniya, i-aanunsiyo ng mga awtoridad ang resulta ng imbestigasyon sa lalong madaling panahon, “It is estimated the task can be concluded in the next two or three weeks.”
© Agence France-Presse