Indonesia, nakaalerto sa maaaring pagputok pa ng isang bulkan
Naka-alerto ang mga awtoridad sa Indonesia ngayong Biyernes para sa dagdag pang mga pagsabog mula sa isang remote volcano, na pumuwersa na sa libu-libo upang lumikas, habang nagsimula namang linisin ng mga katabing residente ang mga debris, makaraang ulanin ng ‘molten rocks’ ang kanilang villages.
Ang Mount Ruang ay halos anim na beses nang pumutok sa nakalipas na 24 oras simula noong Martes, kung saan nagbuga ito ng magkakahalong nagniningas na orange lava, matayog na haligi ng abo at volcanic lightning.
Bagama’t sinabi ng mga opisyal na nagsimula nang kumalma ang bulkan ngayong Biyernes, pinanatili ng mga awtoridad ang pinakamataas na lebel ng alerto na four-tiered system, na indikasyon ng mataas na volcanic activity.
Police officers helped locals sweep volcanic debris on the ground after eruptions at Mount Ruang / Ronny Adolof BUOL / AFP
Daan-daan namang locals sa katabing Tagulandang island ang nakitang naglilinis ng volcanic material mula sa harbour at kanilang mga bakuran kaninang umaga, sa tulong ng mga sundalo at mga pulis.
May ilan na nagkuwento tungkol sa pagpapanic at pagmamadaling magtungo sa lugar kung saan sila ligtas, nang magsimula ang pagputok ng bulkan.
Ayon sa 59-anyos na guro na si Ninice Hoata, “I evacuated. There was a house. I stayed there. And then it rained and rocks fell. I prayed.”
Sinabi naman ni Abdul Muhari, tagapagsalita ng national disaster mitigation agency na BNPB, “White smoke of ‘medium to high intensity’ was seen billowing up to 100 metres (328 feet) above the crater.”
May ilan namang mga residente na humingi ng dagdag na tulong.
Ayon sa 64-anyos na residente ng Tagulandang na si Heman Sahoa, “We really need tarpaulin assistance as soon as possible, to temporarily cover the leaking roof. We are worried there will be a follow-up because there is information about that.”
Sa iba pang mga lugar, ang mga bahay ay wala nang mga tao at wala ring suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng isla.
Indonesia volcano / John SAEKI / AFP
Sinabi ng mga opisyal na nitong Huwebes ay nawalan ng komunikasyon sa ilang bahagi kapwa ng Ruang at Tagulandang island, na pinaninirahan ng humigit-kumulang 20,000 mga residente.
Ayon sa isang opisyal mula sa disaster management agency ng isla ng Sitaro na si Jaoikson Sagunde, mahigit sa 6,000 mga residente ng Tagulandang ang inilikas sa kabilang bahagi ng isla na nakaharap malayo sa crater.
Sabi pa ni Muhari, pinalawig hanggang ngayong Biyernes ang pagsasara sa isang kalapit na international airport sa Manado city, mahigit 100 kilometro (62 milya) mula sa crater.
Kaugnay ng umiiral na alert level ay namamalagi ang isang six-kilometre (3.7-mile) exclusion zone sa paligid ng crater, maging ang mga babala ng dagdag pang mga pagsabog at pagguho ng bahagi ng bulkan papunta sa dagat na maaaring magresulta sa isang tsunami.