Inflation, babagal sa 4th Quarter 2023 – BSP

Babagal ang implasyon sa ikaapat na quarter ng 2023 batay ito sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, magdi-decelerate pabalik sa inflation target ang bilis ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin pagdating ng huling quarter ng taon.

Gayunman, sinabi ng BSP na mananatiling elevated ang implasyon sa mga susunod na buwan bunsod ng patuloy na epekto ng supply shocks sa presyo ng mga pagkain at pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Tiniyak ng Central Bank na handa ito na i-adjust ang monetary policy stance kung kinakailangan para maiwasan ang lalo pang paglawak ng epekto sa pagtaas ng mga presyo lalo na sa mga pangunahing bilihin.

Suportado rin ng BSP ang mga non- monetary na hakbangin ng gobyerno upang maibsan ang epekto ng implasyon.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *