Inflation rate, bumaba sa huling quarter ng 2018 – BSP
Bumaba na ang inflation rate sa huling quarter ng 2018.
Sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas, naitala na sa 5.9 percent ang inflation o presyo ng mga bilihin mula Oktubre hanggang Disyembre ng nakaraang taon kumpara sa 6.2 percent sa ikatlong quarter ng taon.
Ayon kay BSP Assistant Governor Francisco Dakila Jr. malaking factor ng pagbaba ng presyo ng bilihin ang pagbaba ng presyo ng presyo ng regular at well-milled rice.
Sa datos ng BSP, mula sa dating 8.2 percent na presyo ng mga pagkain, bumaba na ito sa 7.7 percent.
Nakatulong rin anya ang pagbabawas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado at pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga non-food items.
Inaasahan ng BSP na bababa pa ang inflation hanggang 4.3 percent ngayong taon hanggang 2020.
Pinakalma rin ng BSP ang publiko at tiniyak na magiging minimal lamang ang epekto o impact ng implementasyon ng gobyerno ng karagdagang dalawang pisong excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ulat ni Meanne Corvera