Inflation rate ng January 2025 napanatili sa 2.9%

0
INFLATION

Courtesy: PSA

Nanatili sa 2.9% ang inflation rate sa nagdaang buwan ng Enero ngayong taon, tulad ng inflation rate noong December 2024.

Ayon sa Phil. Statistics Authority (PSA), nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa inflation sa kaparehong buwan noong 2024, kung saan nakapagtala ng 2.8% inflation noong January 2024.

Nasa forecast range pa rin ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2.5 – 3.3 percent.

Ayon naman kay National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, kabilang sa nakapagambag sa naging inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages, maging ang transport cost habang nakapagtala naman ng pagbagal sa pagtaas ng presyo ng clothing, houding, recreation at restaurants.

Aniya, “Apat sa 11 pangkat ng pagkain ang nagpakita ng mas mabilis sa pagtaas ng presyo nitong Enero 2025. Ito ay ang mga sumusunod. Meat and other parts of slaughtered land animals may 6.4% inflation, particular dito ang karne ng baboy. Fish and other seafood na may 3.3% inflation tulad ng dillis. Oils and fats na may 2.2% inflation gaya ng mantika. At vegetables, tubers, cooking bananas at iba pa na may 21.1% inflation, particular dito ang kamatis. Nagtala naman ang mas mabagal na pagbaba ng presyo nitong… Enero 2025 ang sugar. Confectionary and desserts na may negative 2.3% inflation.”

Ang iba pang food items tulad ng mais, harina, mga prutas at mga mani ay nakapagtala naman ng slower increases sa unang buwan ng 2025.

Sa kabila nito, kumpiyansa ang gobyerno na mananatili ang inflation sa 2-4% ngayong 2025 matapos na maitala ang average inflation noong 2024 sa 3.2%.

Sabi pa ng PSA, may mga ilang pagkain naman na nagsibaba na nakahatak din sa inflation pero majority sa mga ito ay nagtaas, kaya numero unong dahilan kaya napanatili ang 2.9% na inflation ngayong Enero.

Ayon kay Mapa, “Yung inflation rate natin, una sa pagkain, sa pagkain mayroon tayong bumaba, mayroon tayong tumaas ang inflation rate. Kasi yung food item natin, malaking weight talaga, 35% yan sa CPI basket. So sabi ko kanina, yung 15 percentage points doon na consisting of meat, fish, isda at saka vegetables, yun yung tumaas. Yung iba naman, bumaba. Like yung rice nga natin, saka corn, negative sila. Yung rice and corn kasi mga 9 percentage points din eh. So may mga tumaas, may mga bumaba. But overall, general ng food, talaga tumaas siya. Ang food inflation natin noong January ay 4.0% versus December na 3.5%. So that’s the story sa food.”

Naniniwala naman ang National Economic and Development Authority o NEDA, na ang steady inflation rate ay maituturing nilang positive indicator para mas maging stable pa ang presyo ng mga bilihin na isa sa target ngayon na maabot ng gobyerno.

Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *