Inflation sa bansa lalo pang bumilis – PSA
Lalo pang bumilis ang inflation o paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority, naitala sa 6.1 percent ang inflation nitong Hunyo mas mataas kumpara sa 5.4 percent.
Sinabi ni National Statistician USEC Dennis Mapa na bukod sa baboy, malaki ang naiambag ng pagtaas ng presyo ng manok na pumalo sa 8.1 percent.
Habang nagkaroon na rin ng paggalaw ang presyo ng kada kilo ng bigas.
Apektado rin ang presyo ng iba pang pangunahing bilihin kasama na ang pamasahe dahil sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Nakapag-ambag rin sa pagtaas ng inflation ang pagtaas ng presyo ng umabot sa 8.9 percent.
Region 3 ang nakapagtala ng mas mataas na presyo ng mga bilihin na umabot sa 7.5 percent at habang ang BARMM ang pinakamababa na umabot lang sa 3.1 percent.
Meanne Corvera