Infrastructure budget ng ilang Congressional district na malapit sa House Speaker, lumobo – Sen. Lacson
Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na lumobo ang Infrastructure budget ng ilang Congressional District na malapit kay House speaker Lord Allan Velasco sa ilalim ng panukalang 4.5 Trillion 2021 National Budget.
Ayon kay Lacson, batay sa ginawa nilang pagbusisi sa inaprubahang pondo, tumaas ang pondo matapos ang pagpapalit ng Liderato ng Kamara.
Isa sa itnukoy ni Lacson ang isang distrito na may alokasyon sa National Expenditure program na 9 billion pero nang aprubahan ito ng Kamara, umabot pa sa 15 billion pesos.
May distrito rin aniya na may alokasyon na 4 hanggang 5 billion pero paglabas ng General Appropriations Bill ay nadoble pa ito kaya naging 8 bilyong piso.
Mismong mga Kongresista aniya ang nagbugay ng listahan kung saan nakalagay ang pangalan at probinsiya ng isang Kongresista pero tumanggi na siyang pangalanan.
Bagaman hindi umano ito maituturing na pork barrel pero malinaw na bago pa man maisumite ang budget sa Kongreso, pinakialaman na ng mga Kongresista ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Wala man aniyang pork barrel pero sa implemenyaston ng proyekto hindi mawawala ng Komisyon ng mga Kongresista.
Sinabi pa ni Lacson, may lumpsun funds pa aniya ang DPWH na hindi malinaw kung saan magagastos ang pondo.
Dahil dito, inirekomenda ni Lacson ang pagtapyas ng 40 hanggang 50 bilyong piso sa budget ng DPWH para ilipat na pantulong sa mga Local Government units na matinding naapektuhan ng bagyong Rolly at Ulysses.
Meanne Corvera