Infrawatch Convenor, umapela SC na irekonsidera ang TRO laban sa implementasyon ng NCAP
Umapela si Infrawatch Convenor Terry Ridon sa Korte Suprema na irekonsidera ang inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni Ridon na masyadong mahaba ang panahon ng TRO dahil sa Enero pa itinakda ang oral argument ukol dito.
Kung talagang mahalaga aniya ang isyu na ito para sa interes ng publiko, dapat desisyunan agad ito ng Korte Suprema.
Dagdag pa ni Ridon, nagsimula na ang face to face classes, idagdag pa ang nalalapit na holiday season.
Kaya naman inaasahan ang dagsa ng mga sasakyan at matinding pagbigat sa daloy ng trapiko.
Madz Villar Moratillo