Inisyal na ₱31 million na kompensasyon para sa poultry farmers, ipapamahagi na ng DA
Ipapamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ang inisyal na ₱31 million bilang compensation sa mga poultry farmers na apektado ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.
Ito ang kinumpirma ni DA Secretary Manny Pinol.
Ayon kay Pinol, may go-signal nang Department of Budget and Management (DBM) para sa pagbahagi ng nasabing pondo.
Dagdag pa nito na ang nasabing halaga ay inisyal lamang na tulong sa mga poultry farmers.
Magugunitang kinumpirma ng DA na babayaran nila ng ₱80 kada ulo ng layer chicken, ₱70 para sa broiler chicken, ₱80 para sa mga pato at ₱10 para sa mga pugo.
Please follow and like us: