Insidente ng food poisoning sa bansa, patuloy na tumataas
Tumataas ang kaso ng food poisoning sa bansa.
Ito ang sinabi ng isang experto mula sa isang kumpanya na responsable sa pagtiyak na ligtas ang kakainin ng mamamayan.
Ayon kay Mr. Glenn Gyde dela Cruz ng Foodshap, nararansan ang food poisoning kung sakaling ang pagkaing nakain ay kontaminado ng nakalalasong kemikal o mga mikrobyong mga dalang sakit.
Ayon pa kay dela Cruz, nag-train sila ng mga food handler lalo na ang mga nasa school at restaurant upang makatiyak na ang kanilang ise-serve na mga pagkain ay ligtas sa anumang makapipinsala ng kalusugan.
Samantala, ang ilan naman sa sintomas ng food poisoning ay pananakit ng sikmura, pagdudumi, vomitting, lagnat, panghihina ng kalamnan, pagkahilo at pananakit ng ulo.
Ulat ni: Anabelle Surara