Installation ng RFID sa mga sasakyan, ipinaliwanag ng DOTr
Maraming katanungan ang paulit-ulit na itinatanong tungkol sa pagpapatupad ng mandatory installation ng RFID sa mga sasakyan para sa cashless transactions sa mga expressway. Kung isa ka sa mga may katanungan pa tungkol dito, subukan mong hanapin ang sagot sa artikulong ito na hinango mula sa FAQs na ipinalabas ng Department of Transportation.
1. Hanggang December 1 na lang po ba ang pagkakabit ng RFID sa mga sasakyan?
Hindi po. Ang December 1 ay deadline para sa mga toll operators na makapag-implement ng 100% cashless transactions sa mga toll roads. Ang pagkakabit po ng RFID stickers ay magpapatuloy kahit matapos ang December 2020, lalo na para sa mga first time toll users at mga bagong sasakyan.
2. Paano at saan puwedeng magpakabit ng RFID sticker?
May iba’t-ibang proseso upang makabitan ng RFID stickers-Magpa-book ng RFID sticker appointment online at magtungo sa installation site sa schedule na nakalaan para sa’yo-Mag-walk in sa mga installation sites na hindi covered ng online appointment system-Magpa-schedule ng off-site RFID sticker installation sa inyong area (*upon request po ito at subject sa availability ng schedule)-Magpa-install ng RFID sticker sa appropriate lane sa toll gate, o sa installation site/tent malapit sa toll booths.
3. Marami po ang nagpa-panic dahil puno na ang online appointment schedule para sa RFID installation. Makakapasok ba ako sa tollgate kahit wala akong RFID sticker on December 1?
Kung puno na ang slots sa online appointment systems para sa RFID installation, NO NEED TO PANIC. Kung wala kang RFID by December 1, DOON KA MISMO SA TOLL GATE KAKABITAN. May nakaabang na RFID installation lanes ang mga toll gates, at may mga tauhan po ang toll operators na mag-aasist sa pagkabit ng RFID stickers.Kung kinakailangan, handang i-convert bilang RFID stickering lane ang lahat ng toll lanes simula December 1. Ibig sabihin, kung ikaw ay isang motorista na walang pang RFID at dumaan ka sa toll gate sa December 1, saan ka man pumila, kakabitan pa rin ang sasakyan mo ng RFID sticker. Kung hindi man sa mismong toll gate, kakabitan ka ng RFID sticker sa installation site/tent bago o pagkalagpas ng toll gate. Simula December 1 hanggang January 11, magiging 24/7 ang kabitan ng RFID sa lahat ng mga toll lanes o mga booths malapit sa mga toll gates.
4. Magkakaroon po ba ng hulihan sa mga toll gates simula December 1 kung wala kang RFID?
Wala pong mangyayaring hulihan mula December 1 hanggang January 11, 2021 para sa mga sasakyang walang RFID. Matapos ang January 11, hindi na lahat ng lanes sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane. Magtatalaga na lamang ng isa o dalawang stickering lane, o kaya naman isang installation tent bago pumasok sa toll gate kung saan maaaring kabitan ng RFID ang mga sasakyan. Maglalagay ang mga toll operator ng malalaking signages sa mga stickering lanes, upang malaman ng mga motoristang wala pang RFID na doon sila dapat na pumila. Maaari silang ma-tiketan kung sila ay pipila sa mga RFID ONLY lane, lalo na kung sila ay magdudulot ng abala sa ma sasakyang nasa likuran nila.
5. Para sa mga taong mula sa malalayong probinsya o ‘yung mga hindi lagi dumadaan sa expressway, kailangan din ba naming magpakabit ng RFID?
Lahat ng dadaan sa expressways ay kinakailangang magpa-install ng RFID. Kung ikaw au mula sa malayong probinsya, maaari kang magpakabit ng RFID kung kailan mo kakailangang dumaan sa expressway. May mga stickering lane pa rin po na maaaring daanan ng mga motorista kahit lampas na sa transition phase sa January 11.
6. Anong mangyayari kung insufficient ang load at dumaan sa expressway?
Hindi ba padadaanin?Habang nasa transition period mula December 1 hanggang January 11, papayagan pa rin po na itaas ang barrier kung insufficient ang load balance mo. Maaaring doon ka load-an sa mismong toll booth o kaya naman ay palampasin ka, patabibin, at load-an ka ng tao ng toll operator gamit ang top-up loading device. May mga tao ang toll operator na may hawak na top-up device sa toll area.
7. May expiration po ba ang load ng RFID?
Walang pong expiration ang load sa inyong RFID.
8. Saan pwedeng tumawag kung may reklamo sa RFID sticker, load, o process?
Kung may concern o katanungan ukol sa RFID installation, maaaring tumawag o magtanong sa mga sumusunod na numero at contact details:MPTCPhone 8-555-7575 and 1-35000Email: [email protected]@easytrip.ph Facebook DM:NLEX Corp.Easytrip Services Corp./ easytripphSMCAutosweep: (02) 5-318-8655 (TOLL)Website: autosweeprfid.comTRBLandline. 02 8631-5901Smart: 0919-560-9527Globe: 0915-163-6468Tandaan po natin ang mga sumusunod:Monday to Friday 8:00 am-5:00 pm para sa tawag.Bago mag-8:00 am at lagpas ng 5:00 pm maaaring mag-text o mag-message to Smart/Globe/ TRB FB or Twitter or email to [email protected]
9. Kung matapos ang transition period at may isang sasakyan pa rin na pumilit dumaan sa RFID ONLY LANE kahit wala itong RFID sticker, ano ang maaaring maging traffic violation dito?
Maaari itong ma-ticketan ng Disregarding Traffic Sign o Obstruction, depende kung may ibang mga sasakyan itong naabala sa likuran. Pinaaalalahan ang mga motorista na matapos ang transition period sa January 11, magtatalaga na lamang ng specific RFID stickering lane o kaya naman RFID installation site malapit sa mga toll booth upang doon makabitan ng RFID ang nga sasakyan.
10. May plano ba ang DOTr na pag-isahin na lang ang RFID na ginagamit sa mga toll?
Ito ay ongoing project na ng DOTr simula pa 2017. Ito ay tinatawag na “Toll Interoperability” Project, kung saan bahagi ng unang phase ay ang implementasyon ng 100% cashless transactions sa mga toll roads.Mayroon itong tatlong phases:
Phase 1 – Implementation of Cashless payments
Phase 2 – One RFID and two wallets (the single RFID will be readable both on north and south expressways, but you still need to maintain two wallets, meaning you have to purchase load for each toll system)
Phase 3 – One RFID and one wallet