Insurance ng mga deposito sa bangko isinusulong na itaas
Isinulong ni Senator Sonny Angara na itaas ang insurance coverage sa deposito sa mga bangko.
Sa Senate bill 2089, pinaamyendahan ni Angara ang charter ng Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC para itaas sa One million pesos ang insurance mula sa kasalukuyang 500 thousand.
Sa datos kasi ng PDIC hanggang noong september ng 2020 , tumaas pa ang mga deposito sa bangko na umabot na sa 78.7 Million Depositors mula sa dating 68.1 million o katumbas ng pagtaas na 11.8 percent.
Nangangahulugan ito ayon kay Angara na mas maraming Pilipino ngayon ang nag-iipon sa bangko .
Sinabi pa ni Angara kung itataas ang insurance ng deposito mas tataas ang kumpiyansa ng publiko sa banking system.
Statement Senator Sonny Angara
“There is so much uncertainty in the lives of almost all Filipinos at this time and keeping their savings secured is all the more important to them. We want to reinforce the people’s trust in the banking system with this measure and further strengthen the mandate of PDIC, not only as the insurer of deposits but as liquidator of troubled banks,”
Meanne Corvera