Intelligence fund sa 2018 pinatatapyasan ng oposisyon para madagdagan ang budget para sa pabahay
Nais ni Senate Minority leader Franklin Drilon na patapyasan ang intelligence fund ng gobyerno sa 2018 na nagkakahalaga ng 3.7 billion pesos para mailipat sa housing sector.
Tinawag na injustice ni Drilon ang pagtapyas sa budget ng Housing and Urban Development and Coordinating Council o HUDDc dahil mula sa 15.3 bilyon noong 2017, ibinaba ito ng 70 porsiento at naging 4.5 bilyon pesos na lamang sa susunod na taon.
Paliwanag ni Drilon, mahalaga ang papel ng housing sector hindi lang sa naiibsan nito ang kakulangan sa pabahay pero malaki umano ang naitutulong nto lalo na sa ekonomiya ng bansa
Giit ng senador, sa tala, umaabot na sa 1.2 milyon ang backlog na pabahay sa bansa at tinatayang aabot ito sa 6 na milyon pagpatak ng 2022
Dahil dito, isusulong ni Drilon na maibalik sa dating budget ngayong taon sa housing sector para sa 2018.
Ulat ni Meanne Corvera