Mga piskal at hukom sa bansa sasanayin ng IDLO sa environmental law
Ipinirisinta ng International Development Law Organization (IDLO) sa mga opisyal sa Korte Suprema, ang mga inilatag na judicial innovation sa hudikatura sa Pilipinas.
Ito ay sa pagharap ng apat na mahistrado ng Supreme Court sa pagpupulong ng IDLO sa headquarters nito sa Rome, Italy.
Photo courtesy of DFA
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pinuri ng mga opisyal ng IDLO ang strategic plan ng Korte Suprema.
Nangako rin anila ng tulong at suporta ang organisasyon para sa pagkakaloob ng capacity- building training ng mga piskal at hukom sa Pilipinas gaya sa environmental law, climate law, at climate justice.
Ang Pilipinas ay founding member ng IDLO mula noong 1989.
Ang IDLO ay ang natatanging global intergovernmental organization na eksklusibong nakatuon sa pagsusulong ng rule of law para sa kapayapaan at sustainable development.
Bukod sa IDLO, sinabi ng DFA na nakipagdayalogo rin ang mga mahistrado ng Pilipinas sa kanilang counterparts sa Supreme Court of Cassation of Italy, at sa High Council of the Judiciary nito.
Moira Encina