International visitors sa bansa umabot na sa halos 2.4M ngayong 2022–DOT
Kabuuang 2,397,919 turista na galing sa ibang bansa ang nagtungo sa Pilipinas ngayong taon.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Department of Tourism (DOT) nitong December 15, 2022.
Ayon sa DOT, karamihan ng international visitors ay mula sa U.S. na 447,278.
Pangalawa ang South Korea na 374,097 at sumunod ang Australia na 118,228.
Ikaapat naman sa foreign tourists ang mula sa Canada na 109,041 at ikalima ang United Kingdoma na 90,196 visitors.
Kaugnay nito, inanunsiyo ng DOT na ang tourism revenues o ang kita mula sa turismo ay umabot na sa P130 bilyon noong Nobyembre 16, 2022.
Sinabi ng DOT na nakatulong ang pagluluwag sa travel restrictions at health policies kaya nakapagtala ng malaking tourism revenue ang bansa.
Moira Encina