Internet connections sa 94 tourist destinations, pabibilisin
Pagbubutihin at pabibilisin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang internet connectivity sa 94 tourist destinations sa bansa.
Ito ay matapos na lagdaan ng Department of Tourism (DOT) at DICT ang memorandum of understanding (MOU) upang ma-improve ang connectivity at digitalization sa turismo sa Pilipinas.
Ang hakbangin ay isa sa seven-point agenda ng DOT para mas maging maganda ang tourist experience sa bansa.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na mahalaga ang papel ng maganda at mabilis na internet connectivity para mapalakas ang turismo sa Pilipinas.
Ang digitalization sa industriya ng turismo rin ang isa sa mga natukoy ng DOT na innovations na dapat ipakilala sa tourism businesses para makalikha ng mas maraming trabaho at oportunidad sa turismo.
Tiwala ang kalihim na makatutulong nang malaki ang proyekto para lalong maitanyag ang Pilipinas bilang tourist destination.
Ayon sa DICT, ilan sa mga paraan na gagawin nila ay ang pag-increase sa bandwith at reliability ng internet connection sa mga tourist site.
Maaari rin na gumamit ang DICT ng satellite technology lalo na sa mga liblib na lugar o isla na walang fiber optic.
Bukod sa mga kilalang destinasyon, kabilang din ang lesser known tourist spots sa pagbubutihin ang wi-fi connection.
Moira Encina