Intramuros nakapagtala ng 132% pagtaas sa bilang ng mga bisita ngayong Pebrero

Photo: pna.gpv.ph

Nakapagtala ang Intramuros ng 38,154 same-day visitors hanggang nitong Feb. 23, 2022.

Katumbas ito ng 132 porsiyentong pagtaas mula sa 28,855 noong Enero.

Nagpahayag naman si Tourism Secretary at Intramuros Administration chair Bernadette Romulo-Puyat, ng pag-asa sa magandang ibubunga ng nasabing bilang ng mga bumisita sa Intramuros.

Aniya . . . “The increase in visitors in Intramuros’ various sites reflects the optimism and confidence in travel.”

Binanggit niya na ang open-space, luntiang hardin, at ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocol sa kalusugan at kaligtasan sa Walled City, ay mga katangian para ito ay maging lugar na mainam puntahan.

Sinabi ni Puyat na sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2, ang physical distancing, contact tracing, at ang maximum na bilang ng mga bisita sa bawat site ay mahigpit na ipinatutupad sa Intramuros. Ang National Capital Region kung saan naroroon ang Intramuros, ay namamalagi pa rin sa Alert Level 2 hanggang sa katapusan ng buwan.

Bukod sa health at safety protocols, sinabi ng Department of Tourism na 100% ng Intramuros Administration workers, kabilang ang kanilang outsourced security at janitorial staff, ay fully vaccinated na laban sa COVID-19 noon pang September 14.

Tatlong Intramuros sites ang muling binuksan sa publiko noong Setyembre, sa gitna ng pagpapagaan sa mga paghihigpit sa NCR.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Fort Santiago – weekdays: 9 a.m. to 8:30 p.m.; weekends: 6 a.m. to 9:30 p.m.
  • Casa Manila Museum – weekends only: 9 a.m. to 5 p.m.
  • Baluarte de San Diego – 8 a.m. to 5 p.m. daily 
Please follow and like us: