Investors, nagkasundo na para sa $10 billion Uganda oil project

Sa wakas ay sinelyuhan na ng Chinese at French oil giants ang $10 billion deal, para buksan ang energy resources ng Uganda at magtayo ng isang malaking regional oil pipeline.

Ang tinatawag na Final Investment Decision, ay magbibigay daan para sa pag-export ng milyun-milyong bariles ng black gold na unang nadiskubre noong 2006 sa Uganda, na isa sa pinaka biodiverse regions sa buong mundo.

Ang desisyon ay magbibigay-daan din para maituloy na ang napakatagal nang naantalang proyekto na pinuri ni Ugandan President Yoweri Museveni bilang isang major economic boost para sa East African country na ang karamihan sa mamamayan ay nabubuhay sa kahirapan.

Gayunman ayon sa mga kritiko, ang ambisyosong kasunduan ay banta sa ikinabubuhay ng libu-libong mamamayan at sa maselang ecosystems sa puso ng Africa.

Ang $10 billion investment deal ay inanunsiyo ng mga pinuno ng TotalEnergies ng France at local arm ng China National Offshore Oil Corporation (CNOOC) sa isang seremonya sa Kampala.

Nais ng mga kompanya na i-extract ang anila’y “huge crude oil reserves” sa ilalim ng Lake Albert, isang 160-kilometrong habang natural border sa pagitan ng Uganda at Democratic Republic of Congo.

Ang Lake Albert ay nasa ibabaw ng tinatayang 6.5 billion barrels ng krudo, kung saan ang nasa 1.4 barrels ay kasalukuyang ikinokonsiderang “recoverable.”

Ang langis ay ipa-pump mula Uganda at dadaan sa Tanzania patungo sa Indian Ocean port ng Tanga, sa pamamagitan ng isang 1,443 kilometrong heated pipeline na sinasabing magiging pinakamahaba sa mga kauri nito kapag natapos na.

Inilarawan ni TotalEnergies chairman at CEO Patrick Pouyanne ang kontrobersiyal na pipeline na isang “masterpiece.”

Aniya . . . “Today is the day we commit to invest $10 billion in the Tilenga and Kingfisher projects and the 1,443-km long pipeline. From today with the FID, the project will fully enter into the construction phase.”

Ayon sa mga kinauukulan . . . “Uganda’s first oil is expected to flow in 2025, almost two decades after the reserves were discovered, with full-scale commercial production planned for the following year when 230,000 barrels a day of the parricularly viscious crude are expected to be pumped.”

Gayunman ayon sa regional director ng campaign group na 350Africa.ong na si Landry Ninteretse . . . “The pipeline project would be displacing thousands of households, endangering water resources for millions of Ugandans and Tanzanians, devastating vulnerable ecosystems and pushing the world further into climate chaos.”

Sa isang report noong isang taon ng International Federation for Human Rights (IFHR na batay sa mga pag-aaral kasama ng Oxfam, ay nakasaad na ang proyekto ay makaaapekto sa higit 12,000 pamilya at mga komunidad na walang ideya kung mawawalan ba sila ng lupain.

Please follow and like us: