Ipo dam, posibleng magpakawala ng tubig; Mga residente sa mga low-lying areas, inalerto

Posibleng magpakawala ng tubig ang Ipo dam Linggo ng hapon dahil sa pinangangambahang pag-apaw ng antas ng tubig nito sanhi ng nagpapatuloy na pananalasa ng super typhoon Rolly.

Sa statement na ipinalabas ng PAGASA Hydrometeorology Division, magsasagawa ng spilling operation ang Ipo Dam Management mamayang alas-4:00 ng hapon na aabot sa 47 cubic meters per second.

Hanggang kaninang alas-8:00 ng umaga, sinabi ng Pag-Asa na ang antas ng tubig sa Ipo dam ay umabot na sa 100.58 meters at maaaring tumaas pa ito dahil sa bagyo.

Ang normal na high water level sa Ipo dam ay nasa 101 meters lamang.

Inaabisuhan ang mga residenteng naninirahan sa mga low-lying areas malapit sa riverbanks ng Angat river gaya sa Angat, San Rafael, Bustos, Baluiag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy na maging handa at alerto dahil sa posibleng pagtaas ng tubig.

=============

Please follow and like us: