Iran, ‘deeply involved’ sa Huthi ship attack – US
Inakusahan ng Estados Unidos ang Iran ng pagkakasangkot sa mga pag-atake ng Huthi rebels ng Yemen sa commercial ships.
Inilabas ng White House sa publiko ang US intelligence, habang nagpapatuloy ang Iranian-linked Yemeni insurgents sa pag-atake sa mga barko na anila’y bilang pakikiisa sa Palestinians sa Gaza Strip, kung saan nakikipaglaban ang Israel sa Hamas militants.
Sinabi ng White House na nagbigay ang Tehran ng drones at missiles sa Huthis, maging ng tactical intelligence.
Ayon kay National Security Council spokeswoman Adrienne Watson, “We know that Iran was deeply involved in planning the operations against commercial vessels in the Red Sea. We have no reason to believe that Iran is trying to dissuade the Huthis from this reckless behavior.”
Ang Huthis, na kumokontrol sa malaking bahagi ng pinakamahihirap na bansa sa Arabian Peninsula kabilang ang capital na Sanaa, ay naglunsad ng mahigit sa 100 drone at missile attacks, target ang sampung merchant vessels, ayon sa Pentagon.
Bunsod nito, kamakailan ay inanunsyo ng US ang isang multinational naval task force ng mahigit sa 20 mga bansa upang protektahan ang mga sasakyang pandagat na dumaraan sa Red Sea.
Sa pagpapakita ng lakas, ang US aircraft carrier na USS Dwight D. Eisenhower ay pumasok na sa Gulf of Aden, kung saan isang serye ng mga balita ang nagsasabi na tinitimbang ng administrasyon ni President Joe Biden ang military strikes kapag nagpatuloy pa ang pag-atake sa mga barko.
Nagbabala naman ang rebel leader na si Abdel-Malek al-Huthi, “If we are attacked, the rebels would strike back against American battleships, American interests and American navigation.”
Sinabi ng White House, na ang US visual analysis ay nakadiskubre ng halos magkaparehong features sa pagitan ng KAS-04 drones ng Iran at unmanned vehicles na pinakawalan ng Huthis, pati na rin ang ‘consistent features’ sa pagitan ng Iranian at Huthi missiles.
Ayon pa sa White House, umaasa rin ang Huthis sa Iranian-provided monitoring systems sa karagatan.
Binanggit pa ni Watson, “Moreover, Iranian-provided tactical intelligence has been critical in enabling Huthi targeting of maritime vessels since the group commenced attacks in November.”
Sa kabila naman ng iprinisintang findings ng White House, duda pa rin ang ilang mambabatas sa Us at allied policymakers, kung ang Huthis nga ba ay kumikilos para sa Iran.
Sinabi ng isang diplomat mula sa isang kaalyado ng US na ayaw magpabanggit ng pangalan, “Of Iran’s proxies in the region, the Huthis have the weakest link to Tehran. And it is hard to see how the attacks serve their or Iran’s interests.’
Sa isang bagong research paper, sinabi ni Michael Knights, isang fellow sa The Washington Institute for Near East Policy, “The Huthis shared the “paranoid” mindset of Iran’s ruling clerics. The United States should think of the Huthis as a sort of North Korea, ‘an insular, aggressive, well-armed player’ that is hostile to the United States and sitting on key geography.”
Lantaran ding sinusuportahan ng religious leadership ng Iran ang Hamas.
Pero sinabi ng US officials na walang mga ebidensiya na may pauna nang nalalaman ang Tehran o direkta nilang plinano ang pag-atake ng Hamas sa Israel noong October 7.