Irereport na COVID- 19 cases sa mga darating na araw posibleng bumaba dahil sa mga laboratoryo na naapektuhan ng Bagyong Rolly
Nagsasagawa na rin ng imbentaryo ang Department of Health sa mga laboratoryong naapektuhan ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, may ilang laboratoryo rin sila sa Bicol Region na naapektuhan ng bagyo.
Bagamat nitong mga nakaraang araw ay nakapagsumite pa aniya ang mga ito ng report.
Pero maaaring maapektuhan aniya ang operasyon ng mga ito lalo na at ang mga staff nito ay naapektuhan rin ng pananalasa ng bagyo.
Sa ngayon ay hindi pa aniya sila makapagbigay ng kumpletong report sa mga laboratoryo na naapektugan ng kalamidad dahil patuloy pa ang kanang data gathering.
Pero ayon kay Vergeire asahan ang pagbaba ng mairereport na bilang ng mga swab sample na nasuri ng mga laboratoryo.
Kung mangyayari ito, ngayon palang inabisuhan narin ni Vergeire ang publiko na kung biglang tataas ang mairereport na COVID-19 cases sa mga daratingna araw sa oras na maiayos ang mga naapektuhang laboratoryo.
Madz Moratillo