Irving kinuha ni LeBron, Morant kinuha naman ni Giannis para sa NBA All-Star Game
Pinili ni LeBron James si Kyrie Irving, habang kinuha naman ni Giannis Antetokounmpo si Ja Morant para sa kani-kanilang lineups sa tipoff ng 72nd NBA All-Star Game.
Dalawang ulit talagang pinili ni Antetokounmpo si Morant bago ito naayos, dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng taunang showdown ng elite talent, ang mga kapitan ay pumili ng kanilang rosters mula sa mga available na manlalaro ilang minuto lang bago ang simula.
Hindi na ito nag-iwan ng panahon upang paghandaan ang teamwork para sa isang laro na karaniwan ay isang high-scoring at dunk-filled affairs.
Si James ay 5-0 bilang isang All-Star captain simula nang umpisahan ang format noong 2018, kung saan dalawang ulit siyang nanalo kay Kevin Durant, dalawa kay Antetokounmpo at isang beses kay Stephen Curry.
Ang Miluwakee big man na si Antetokounmpo mula sa Greece at ang Los Angeles Lakers playmaker na si James, na ngayong buwan ay naging all-time scoring leader ng NBA, ay pinangalanang captains matapos manguna sa vote-getters para sa All-Star starting spots mula sa Eastern at Western Conferences.
Subali’t maaari silang pumili ng mga manlalaro mula sa alinmang squads mula sa mga pool ng reserve at starting candidates.
Ang mga binagong affiliation ay hindi naging problema kahit na sina Kevin Durant ng Phoenix at Irving ng Dallas ay parehong inilagay sa All-Star spot bago i-trade mula sa Brooklyn.
Si Durant, Curry ng Golden State at Zion Williamson ng New Orleans ay na-sideline sanhi ng injuries at pinalitan sa starters pool ni Morant ng Memphis, Joel Embiid ng Philadelphia at Lauri Markkanen ng Utah.
Si James ang unang pinapili sa starters at kinuha niya ang bigman ng Cameroon na si Embiid, habang unang napili naman ni Antetokounmpo ay si Jayson Tatum ng Boston.
Sunod na pinili ni James si Irving, dati niyang teammate sa isang NBA championship team sa Cleveland, pagkatapos ay pinili naman ni Antetokounmpo si Morant, na sinubukan niyang kunin mula sa reserves pero nalamang hindi pa niya ito pwedeng kunin noon.
Ang Dallas star na si Luka Doncic ng Slovenia ay napunta kay James at si Donovan Mitchell ng Cleveland ay napunta naman kay Antetokounmpo.
Ang two-time NBA Most Valuable Player na si Nikola Jokic, isang Serbian center, ang huling napili ni James at si Markkanen naman ng Finland, ang huling manlalaro na napili sa pangkalahatan.
Si Antetokounmpo ang unang nakapili sa reserves at kinuha niya si Damian Lillard ng Portland, sinundan ito ni James ng pagpili kay Anthony Edwards ng Minnesota, na nagbigay ng pagkakataon kay Antetokounmpo para kunin ang kaniyang Milwaukee teammate na si Jrue Holiday.
Idinagdag din ni Antetokounmpo ang Cameroon na si Pascal Siaka ng Toronto, Canadian guard na si Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City, DeMar DeRozan ng Chicago, Bam Adebayo ng Miami at Lithuanian na si Domantas Sabonis ng Sacramento, ang NBA rebounds leader.
Si James naman na nagsabing gusto niya ng “youth, athleticism and shotmaking,” ay pinili rin sina Jaylen Brown ng Boston, Los Angeles Clippers forward na si Paul George, New York forward na si Julius Randle, De’Aaron Fox ng Sacramento, Tyrese Haliburton ng Indiana at Memphis forward na si Jaren Jackson, Jr.
© Agence France-Presse