Isa ang patay, habang ang Japan ay nagbabala sa ‘pinakamalakas na ulan’ sa timog-kanluran
Isa ang nasawi sa pagguho ng lupa at daan-daang libong tao ang hinikayat na lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa timog-kanluran ng Japan, habang nagbabala naman ang mga forecaster tungkol sa “pinakamalakas na ulan” na maaaring maranasan sa rehiyon.
Ayon sa local fire department, isang 77-anyos na babae ang kumpirmadong namatay sa landslide na tumama sa kaniyang bahay sa nakaraang magdamag, sa rural Fukuoka. Narekober naman ang kaniyang asawa na dinala sa ospital.
Tatlo katao ang nawawala rin makaraan ang nangyaring landslide sa Karatsu City, sa Saga prefecture, na kapitbahay ng Fukuoka.
Nitong Lunes ng umaga, higit sa 420,000 katao sa Fukuoka prefecture at katabing Oita ang isinailalim sa isang top-level evacuation warning, na nagbababala sa mga tao na “nanganganib ang kanilang buhay, kaya’t kailangan nilang agad na kumilos.”
Mahigit sa dalawang milyong katao sa buong Fukuoka, Hiroshima, Saga, Yamaguchi at Oita prefectures ang nasa ilalim ng isang lower-level warning, na humihimok sa kanila na lumikas kung sila ay nasa mapanganib na lugar.
Ang Japan ay mayroong five-level evacuation order, subali’t hindi nito mapilit ang mga tao na lisanin ang kanilang mga tahanan.
Sinabi ng Japan Meteorological Agency (JMA) na ang malakas na buhos ng ulan ay nanganganib na magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga rehiyon ng Fukuoka at Oita.
Sinabi ni Satoshi Sugimoto ng forecast division ng JMA, “A special heavy rain warning has been issued for municipalities in Fukuoka Prefecture. This is the heaviest rain ever experienced by the region. There is a very high possibility that some kind of disaster has already occurred. The situation is such that lives are in danger and safety must be secured.”
Ayon naman sa tanggapan ng punong ministro, isang task force ang itinatag upang pangasiwaan ang pagtugon sa mga kaganapan.
Sinabi ng top government spokesman na si Hirokazu Matsuno, “We have received reports that several rivers have flooded and that landslides have occurred in various parts of the country. The government is doing its best to get a complete picture of the damage and taking measures under a policy of ‘people’s lives first.’ And thousands of homes across western Japan have lost power.”
Ang Japan ay kasalukuyang nasa kanilang annual rainy season, na kadalasang nagdudulot ng malakas na buhos ng ulan, at kung minsan ay nagreresulta sa pagbaha at pagguho ng lupa, pati na rin ng casualties.
Sinasabi ng mga siyentipiko na ang pagbabago ng klima ay nagpapatindi sa panganib ng malakas na pag-ulan sa Japan at sa iba pang lugar, dahil ang mas mainit na kapaligiran ay nagtataglay ng mas maraming tubig.
Ayon sa weather agency, mahigit isang linggo nang umuulan sa rehiyon.
Sinabi naman ni Yoshiyuki Toyoguchi, land ministry official na nangangasiwa sa mga ilog, “The area is very wet due to intermittent rainfall for over a week. Even with a little rain, river levels tend to rise quickly, which will increase risk of flooding.”
Ang pagguho ng lupa ay isang partikular na panganib sa Japan sa panahon ng malakas na pag-ulan, dahil ang mga tahanan ay madalas na itinatayo sa mga kapatagan sa ilalim ng mga burol sa bulubunduking bansa.