Isa ang patay matapos tamaan ng buhawi ang Switzerland
Isa ang namatay at humigit-kumulang 15 iba pa ang nasugatan sa hilagang-kanluran ng Switzerland, matapos tumama ang isang “malamang ay buhawi” sa isang lungsod sa kabundukan ng Jura, na nagdulot ng malaking pinsala.
Tumama ito sa siyudad ng La Chaux-de-Fonds sa Neuchatel region na nasa hangganan ng France, isang lugar na gawaan ng mga relo.
Ayon sa Neuchatel police, sa kasamaang palad ay isa katao na nasa kaniya nang 50s ang namatay kasunod ng pagbagsak ng isang construction crane, at humigit-kumulang 15 kataong nasaktan ang tinulungan ng emergency services.
Mabilis lamang itong dumaan ngunit nagdulot ng malaking pinsala ang malakas na hangin.
Nasira o nawasak ang mga sasakyan, napunit ang mga bubong, natangay ang mga kasangkapan sa kalye at nabunot ang mga puno.
Ayon sa Swiss national weather service, “A likely tornado associated with a rapidly developing storm along the Jura hit La Chaux-de-Fonds.”
Sa Twitter post ng MeteoSwiss ay nakasaad, “A gust of 217 kilometres (135 miles) per hour was recorded by our station at La Chaux-de-Fonds aerodrome this Monday morning, under a storm cell which suddenly strengthened when arriving in the region.”
MeteoSwiss recorded wind speeds of 217 kilometres (168 miles) per hour at La Chaux-de-Fonds / Fabrice COFFRINI / AFP
Kaugnay nito ay nagsagawa na ng rescue at clean-up operations, habang hinimok naman ng Neuchatel police ang mga tao na huwag ilantad ang kanilang mga sarili sa mga panganib tulad ng pagbagsak ng mga tile o mga puno kaya pinaalalahanan ang mga ito na huwag lalabas.
Ang village hall, simbahan at eskuwelahan maging ang “humigit-kumulang 15 mga bahay” ay nagkaroon ng pinsala ang bubong.
Sa iba pang mga lugar sa French side ng border, ay halos 30 mga bahay din ang naapektuhan, ngunit hindi pa batid ang kabuuang pinsala.