Isa pang bagong testigo sa ‘pastillas scheme’, lumutang sa Senado

Isang bagong testigo ang lumutang sa pagdinig ng Senate Committee on family relations kaugnay ng nangyayaring katiwalian sa bureau of immigration sa pamamagitan ng pastillas scheme .

Ang Immigration officer II na si Jeffrey Dale Ignacio ay nagpakilalang miyembro rin ng pastillas group sa immigration na nangongolekta ng lagay sa mga dumaarating na turista partikular na sa mga Chinese national para paulit ulit na makapasok sa bansa.

Ang pagpasok ng mga Chinese nationals ay inuugnay rin sa mga Pogo related crime tulad ng sex trafficking.

Sa kaniyang testimonya, sinabi ni ignacio na napilitan syang sumali sa grupo noong 2017.

Nabaon raw kasi sya sa utang dahil napakaliit ng kaniyang sweldo sa immigration at wala syang natatanggap na augmentation pay.

Tulad ng testigong si Alex chiong, isa raw syang foot soldier .

Pero depensa ni Ignacio hindi sila kikilos kung walang pahintulot ng kanilang higher up na Tinukoy nitong si dating immigration official na si Marc Red Marinas.

Gaya ng isang pyramid, si marinas aniya ang pinuno at nagbibigay ng utos para mangolekta sa mga Chinese national.

Si marinas ang dating deputy commissioner at dating hepe ng Port operations division bago ito magbitiw noong 2019 .

Meanne Corvera

Please follow and like us: